Untitled
tinapa:

Given Grace,
Tanda ko pa noong nag-present ka sa YSES matapos ang orientation. Ang bibo mo noon, ‘te. Ang lakas ng boses mo tapos dere-deretso ka sumagot. Naisip ko may patutunguhan ‘tong batang ito. Sa kinalaunan, naisukob mo ang YSES sa charms mo at naging kapatid ka na naming lahat.
Ayaw mo pa nga sa Sec noon, at ako naman itong naloloka sa iyo at sa akin mo pa sinabi. Baliw! Pero ‘yun siguro talaga ang isa sa karakter mo. Totoo ka, at kung ano ang ipinaglalaban mo, isisigaw mo at sasabihin mo. Ang tapang-tapang mo, saludo ako sa’yo.
Hindi tayo naging malapit sa isa’t isa, pero nakikita kong napalapit ka sa puso ng YSERS, lalo na ang batchmates mo. Kaya sa tuwing binabanggit ko o isinusulat ko ang “GG”, ikaw agad ang naaalala ko. Ikaw, ha. Nagpapa-miss ka talagang bata ka.
Tapos hindi na ulit tayo nagkita ngayong sem. Nabalitaan ko, bebe HR ka na! Yonaman. Tapos naging head ka pa ng Practicum/Job Fair ng YSES. Dud, nagsisibukasan na ang pakpak mo eh. Naiisip ko pang tatakbo ka bilang HR Head or something. Naaalala ko pa na sabi ni Eco baka sa batch ninyo, ikaw ang magiging Executive Officer. Para pagkalooban ka ng ganoong tiwala, sobrang strong mo ‘te.
Pero hanggang YSES lang ang alam ko tungkol sa iyo. Ngunit matapos ko malaman ang masamang nangyari, napasigaw ako at nanlambot na hindi ko maitindihan. Hanggang ngayon, na matapos kong makita ka sa Los Banos, pagkagising ko, hindi ko pa rin matanggap. Parang totoo na hindi totoo.
Hindi ko lang matanggap na ang bata-bata mo pa, at ang dami-dami mo pang  tutuparing mga pangarap. At para lang alisin sayo ng lapastangan na  ‘yun? Grabe. Kabastusan. O, hustisya.
Ako lang ito, ‘yung isa mong ate sa isa mong org. Nabawasan ang lupon ko ng masisipag, mababait, matatapang at matatalinong kapatid. Ano pa kaya kung ako ang dormmate mo, ang bestfriend mo, ang kaibigan mo, ang kapatid mo at ang pinakamasakit sa lahat, ang maging nanay o ang tatay mo?
Hindi ko maisip na hindi kita makikita sa mga magiging reunion natin kapag nagkaroon na tayo ng asawa, mga anak at mga apo. :(
Dahil diyan, ang maaalala ko lang sa iyo ay ang kagandahan ng kabataan mo. Tatanda kami at kukulubot, ngunit ang alaala mo naman sa amin ay ang maganda at ma-charms mong mukha at personalidad. Ang ganda mo, friend! Fresh na fresh ka pa rin talaga, eh. :)
Pakumusta kay God. Pakiramdam ko mag-cocode kayo nina Steve Jobs at Dennis Ritchie diyan. Enjoy kayo.
Given Grace ka nga. We love you and we miss you. :(